Nangangaluluwa Po!

Wow! Isang dekada na pala ang lumipas mula noong huli akong nangaluluwa. Ang pangangaluluwa ay ang lokal na salin ng Pilipinas sa Trick or Treat; kalimitang nagaganap ilang araw bago mag-undas, November 1 o All Saints day. Minsan extended pa! Ewan ko kung uso ba ito sa ibang bayan o probinsiya ng Pilipinas, pero noong bata pa ako, patok ito sa amin dito sa Indang. Sa Mahabang Kahoy, Bunang Lejos/Malayo at iba pa. Halos lahat ng mga kababata ko noon, in kapag sumamang mangaluluwa. Kahit magasgas ang lalamunan okay lang. Hindi kasi uso sa lugar namin ang tugon na patawad po, sa mga ganito kahit walang pera, pede ng suman lang; hindi tulad sa ibang rural na lugar na kantahin na ang pass muna!

Nakakatuwang makarinig ngayon ng mga batang nangnangaluluwa. Tuloy pa din ang tradisyong hanap ay kasiyahan sa bulsa tuwing walang pasok. Sagip baon kumbaga. Kaya lang, parang iba na ang salin ng mga awit ngayon, parang medyo conyo na. Iba na rin ang beat, modernisado. May mga nabasa ako na sa ibang barangay sa Indang, trick or treat na ang uso. Tsssss. Trick or treat sa Pilipinas? Ewan ko lang ha. Tanong mo kay Rizal ang tawag sayo kapag nag trick or treat ka sa Pinas.

Maiba tayo, kanta muna tayo. Heto ang ang ilang mga titik ng mga lumang kanta sa pangangaluluwa namin noon. Medyo iba na rin kumpara noong mga salin nito noong dekada 80. Master ko yan dati. Propesyon namin yan! Hahahaha.

Handa Awit!

—————————–

Kristiyanong nagugupiling natutulog nang mahimbing
Gising at kami’y dungawin, kaluluwa’y dumaraing.

At bukas pagka umaga, tayong lahat ay magsimba
Doon ninyo makikita, ang misa sa kaluluwa
Paalam kami paalam, paalam po sa maybahay
At baka kami’y masarhan sa pinto ng kalangitan.

—————————–

Kaluluwa’y dumaratal
Sa tapat ng Durungawan
Kampanilya’y tinatantang
Ginigising ang mga buhay
Kung kami po’y lilimusan
Dali-dali nga po lamang
At baka kami’y masarhan
Sa pinto ng kalangitan.

Celebration, in a timeline way.

Continue reading

Captured grins

It’s amazing how cameras can capture smiles. Sometimes, smiles fade more than pictures in reverse.

LifeSoBeautiful

LifeSoBeautiful